LAS PIÑAS CITY – KALABOSO ang isang babaeng pekeng travel agent nang masilo sa entrapment operation.
Nagreklamo sa mga awtoridad ang biktimang si alyas “Honey” matapos maloko ng suspek para sa isang biyahe sana sa Hong Kong kasama ang dalawa niyang anak.
Kuwento ni Honey, regalo sana niya sa kaniyang bunsong anak na nagtapos sa elementarya ang apat na araw na biyahe sa Hong Kong.
October 2018 nang ipa-book niya ito sa suspek, kung saan nasa P46,500 ang halaga ng travel package kasama ang pamasahe, hotel, at pamamasyal.
Sa kabila nang nabayaran na ito ni Honey ay bigo silang makabiyahe noong Marso dahil wala umanong nakuhang ticket ang suspek.
Nagpa-deposito pa ng dagdag na P10,000 ang suspek para mai-rebook ang biyahe sa Agosto.
Doon na humingi ng tulong sa awtoridad si Honey at ikinasa ang entrapment.
Mahaharap sa kasong estafa through swindling na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act ang naaresto. ROSE LARA
Comments are closed.