MAS marami nang benipisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang gustong magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Inihayag ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Glenda Relova dahil sa patuloy na information dessimination na ginagawa ng pamahalaan.
Kumpara noong bago magsimula ang vaccination program, bumaba na ang vaccine hesitancy ng 4Ps beneficiary especially.
Matatandaang nagbanta ang gobyerno na maaring hindi mabigyan ng cash grants ang 4Ps beneficiaries kung hindi sila magpapabakuna.
Nilinaw naman ni Relova na hinihintay pa nila kung ano ang magiging desisyon sa panukalang ‘no vaccine, no ayuda’ policy.
Sa ngayon ay patuloy na susundin ng DSWD kung ano ang nakasaad sa Republic Act 11310 o mas kilala bilang 4Ps Law.