NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS SA BAKUNAHAN, MANANAGOT

Benhur Abalos

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Metropolitan Manila De­ve­lopment Authority (MMDA)  Chairman Benhur Abalos ang mga nagpapakalat ng maling impormasyong tungkol sa pagbabakuna laban sa COVID-19 na nagiging dahilan ng kalituhan ng publiko.

Papanagutin ng gob­yerno  ang mga nagpapakalat ng maling impormasyong sa bakunahan. “Parang trend, nangyari na noong isang araw, then today. Heto na naman tayo,” ayon kay Abalos.

Nanawagan ito sa publiko na huwag basta-bastang maniniwala at kontakin ang LGU (local government unit) na nakakasakop sa kanila.

Araw ng Linggo nang muling  dumagsa ang mga magpapabakuna sa Araneta Coliseum sa Quezon City matapos umanong makita ang isang Facebook post na tatanggapin daw roon ang walk-in na magpapa-vaccine.

Subalit ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, kailangang makapag-register ang mag­papabakuna para maturukan.

Hindi umano  puwedeng pumunta as walk-in tapos mababakunahan  na.

Dahil  dito ay marami ang bumalik at maraming hindi nabakunahan at nag-uwian na lamang.

Nitong Huwebes ay sumugod ang libo-libong tao sa ilang vaccination site sa isang mall sa Maynila  matapos kumalat ang pekeng balita na hindi papayagang lumabas sa enhanced community quarantine ang mga hindi bakunado o hindi sila mabibigyan ng ayuda.

 

PNP KUMILOS SA PANANABOTAHE SA PAGBABAKUNA 

IPINAG-UTOS   ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Loren­zo  Eleazar ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa umano’y pananabotahe sa vaccination program kontra COVID-19 sa ungsod ng Maynila at iba pang siyudad sa Metro Manila sa  pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news .

Ayon kay Gen Elea­zar, nagdulot ng pagkukumahog at pagdagsa ng mga tao sa mga COVID-19 vaccination centers ang  mga kumalat na mali at malisyosong impormasyon partikular na sa social media at text messages tulad ng “walang bakuna, walang Ayuda”, bawal lumabas o “walang bakuna, walang quarantine pass” sa mga panahong nakapailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine.

Kasabay ng babala ni Eleazar sa mga responsableng grupo sa likod ng pananabotahe.

Magugunitang nilusob ng mga hindi rehistrado at walang hawak na QR code ang mga vaccination sites sa lungsod ng Maynila at maging sa Las Pinas. Marami sa mga ito ay hinakot pa ng ilang bus at van mula umano sa Cavite at Laguna.

Una rito,  kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na tinangkang salakayin ng mga computer hacker ang official websites ng City of Manila at tinangkang isabotahe ang online registration upang maparalisa ito at magulo ang kanilang records.

Nilinaw pa ng PNP Chief na walang utos na pigilan ang mga hindi pa bakunado na lumabas ng kanilang mga tahanan. VERLIN RUIZ

9 thoughts on “NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS SA BAKUNAHAN, MANANAGOT”

  1. 810132 74392BTW, and I hope we do not drag this too long, but care to remind us just what kind of weapons were being used on Kurds by Saddams army? Towards the tune of hundreds of thousands of dead Talk about re-written history 253750

  2. 267272 871260Superb weblog here! Furthermore your internet web site rather a good deal up fast! What host are you utilizing? Can I get your affiliate hyperlink for your host? I wish my website loaded up as quickly as yours lol. 139366

Comments are closed.