NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS SA NCOV IKULONG – AÑO

Secretary Eduardo Año-3

QUEZON CITY – INATASAN ni Interior Secretary Eduardo M. Año ang  Philippine National Police (PNP) na imbestigahan at arestuhin ang mga responsable sa pagpapakalat ng “fake news” tungkol sa  2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon sa kalihim hindi magdadalawang isip ang pulisya na ipakulong ang mga tao o grupo na mapapatunayang nagkasala sa pagkakalat ng maling impormasyon sa iba’t ibang social media platforms.

“Freedom of expression has limitations, especially when its exercise threatens the welfare of the public. We must put an end to fake news on social media. Kaya sa mga sinasadyang magpakalat ng fake news, stop now before we lock you up,” banta ni Año.

Samantala inamin ni DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya na maging ang kanilang kagawaran ay nagiging biktima ng fake news.

Ito ay nang lumabas ang isang infographic na sinasabing nagmula sa DILG na ginawa at ipinakalat noong nakalipas na linggo na nagsasabing nagpasya ang DILG na ilagay sa mandatory quarantine ang lahat ng biyahero na nagmula sa 23 countries na may confirmed nCoV cases.

Sinasabing lumikha  ng panic at kaguluhan sa hanay ng mga traveler ang nasabing unauthorized at illegal infographic nang mag-viral ito at naging dahilan para mag kansela ng kanikanilang travel plans ang mga turista.

Kaugnay nito nanawagan si Sec. Año sa publiko na magtiwala lamang sa mga official sources of information at beripikahin muna bago ito i-share, think first before you click,” ani Malaya. VERLIN RUIZ

Comments are closed.