(Nagpapakita ng abnormalidad) TODO-BANTAY SA BULKANG MAYON AT TAAL

KAHIT may bagyo tuloy tuloy ang ginagawang mahigpit na pagbabanaty ng DND-Office of Civil Defense (OCD) sa mga bulkan sa bansa partikular sa Mt Mayon at Taal Volcano na kapwa nagpapakita ng mga abnormalidad.

Ayon kay Civil Defense Administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ariel Nepomuceno, patuloy ang ugnayan nila sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.

Kaugnay nito, inatasan ng NDRRMC at OCD ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Office at regional civil defense offices na maghanda sa anumang posibilidad saka-sakaling lumala ang pag-aalburuto ng mga bulkan.

Gaya sa Bulkang Mayon na nakataas na sa Alert level 2 at Bulkang Taal na nasa Alert Level 1 kaya partikular itong binabantayan ngayon ng ahensya.

Sinabi pa ni Nepomuceno, bagama’t wala pang major eruption na nakikita sa dalawang bulkan base sa mga bulletin ng PHIVOLCS, mandato nilang maglatag ng mga plano at hakbang para maiwasan ang mga pinsala at pagkasawi ng buhay

“We have instructed our regional civil defense offices and regional DRRM councils to ensure that all preparations are in place in case a repeat of the previous volcanic episodes happen. This is standard procedure for the OCD as we continue to ensure that local governments are onboard and ready for any contingency,” pahayag ni Nepomuceno. VERLIN RUIZ