NATUNTON sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang nagpapanggap sa social media bilang si Atty. Vic Rodriguez na tagapagsalita ni presumptive President Bong Bong Marcos.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), natukoy ang suspek na si Ryan Ace Castillejos matapos maaresto noong Abril 18 ang kanyang Caseilyn dela Cruz Cardenas, 31 ng 1018 Morales St., Lolomboy, Bocaue, Bulacan.
Sinasabing modus ng mga suspek na mambiktima at humingi ng pera mula sa mga taga-suporta ni Marcos para sa mga biktima ng kalamidad.
Kabilang sa mga nagreklamo laban sa suspek sina Rodriguez at Volunteer Against Crime Corruption (VACC) President Arsenio Evangelista.
Napag-alaman na tinangkang hingan ng P120,000 ng mga suspek ang mga nagreklamo.
Sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng NBI sa selda ng suspek, nakumpiska ang isang cellphone, cellphone storage at ilang notebook.
Walang nakitang simcard ang cellphone pero naniniwala ang mga tauhan ng NBI na naitago ito ng suspek lalo’t walang wifi signal sa loob ng kulungan.
Nadiskubre naman mula sa cellphone ng suspek na bukod sa pagpapanggap bilang si Rodriguez, nagpapanggap din ito bilang sina PNP officer in charge Vicente Danao J., at Liza Araneta Marcos.
Sa notebook na nakumpiska, nakalista dito ang pangalan na ZandroZandro, Jejomar Binay, Customs Commissioner Rey Guerrero at Mayor Vico Sotto.
Kaugnay nito, iniimbestigahan ngng NBI kung paano nakalusot ang cc cellphone ng suspek sa loob ng bilibid. BETH C/VERLIN RUIZ