NAGPAPARESERBA NG BULAKLAK PARA SA UNDAS NAGSIMULA NA

bulaklak

NAGSIMULA nang magpareserba ng bulaklak ang maraming Filipino, dalawang linggo bago ang paggunita sa Araw ng mga Patay.

Ayon sa mga nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa, mababa pa ang presyo ng mga bulaklak na karaniwang binibili tuwing Undas.

Kabilang dito ang Wonder White at  Chrysanthemum na nasa P100 kada dosena, Malaysian Mums na P100 kada bundle,  Radus na P80 kada dosena, Carnation na P160 sa kada 10 piraso, Gimba na P120 ang kada dosena, Rosas na nasa P150 hanggang P200 bawat dosena at Orchids na nasa P500 kada tatlong dosena.

Subalit, ayon sa flower vendors, inaasahan nilang tataas ang presyo ng lahat ng mga uri ng bulaklak, limang araw bago mag-Undas at inaasahan din ang pagdagsa ng mga mamimili.

Comments are closed.