(Nagpasabog ng 62 points) CURRY BINITBIT ANG WARRIORS VS BLAZERS

NAGBUHOS si Stephen Curry ng 21 sa kanyang career-high 62 points sa first quarter upang tulungan ang Golden State Warriors na kunin ang kalamangan na hindi na nila binitiwan sa 137-122 panalo laban sa Portland Trail Blazers sa San Francisco.

Ang game ay rematch ng 123-98 panalo ng Trail Blazers noong Biyernes ng gabi na nilaro rin sa 2-year-old Chase Center sa San Francisco.

Nahigitan ni Curry ang naunang high na 54 sa pamamagitan ng dalawang free throws, may 2:23 ang nalalabi.

Hindi pa siya tapos. Malaki na ang kalamangan ng Warriors, nagpasabog si Curry ng magkasunod na 27-footers, ang ikalawa ay naganap, may 42.2 segundo sa orasan upang selyuhan ang kanyang 62-point night.

Ang 50-point night ang una ng NBA sa season, habang ang 60-pointer ay una para sa isang Warrior magmula nang magtala si Klay Thompson ng 60 noong 2016.

Ang huling Warrior na nagposte ng mahigit sa 62 points sa isang laro ay si Rick Barry na may 64 noong 1974.

Nanguna si Damian Lillard para sa Portland na may 32 points.

LAKERS 108,
GRIZZLIES 94

Kumana si LeBron James ng 22 points, 13 rebounds at 8 assists upang pangunahan ang Los Angeles Lakers laban sa host Memphis Grizzlies.

Nakalikom si Anthony Davis ng 17 points, 9 rebounds at 3 blocks, habang nagdagdag sina Montrezl Harrell ng 16 points at 9 boards at Wesley Matthews ng 14 points sa 5-of-7 shooting, kabilang ang 4-of-6 3-pointers para sa Lakers, na nanalo ng tatlong sunod. Gumawa si Dennis Schroder ng 11 points.

Umiskor si Kyle Anderson ng 18 points at nag-ambag si Jonas Valanciunas ng 14 points at 10 rebounds para sa Grizzlies. Nagtala rin si Tyus Jones ng scored 14, habang nagposte si Desmond Bane ng 13.

BULLS 118,
MAVERICKS 108

Bumanat si Zach LaVine ng 39 points at naitala ni Coby White ang 21 sa kanyang 23 points matapos ang halftime upang tulungan ang host Chicago Bulls sa panalo kontra Dallas Mavericks.

Bumuslo si LaVine ng 14 of 25 mula sa floor at 8 of 9 mula sa free throw line, kung saan tinalo niya si Mavericks’ Jalen Brunson, na umiskor ng 31 points sa 11-for-17 accuracy mula sa field.

Naglaro ang Dallas na wala si star Luka Doncic, na nagtamo ng quad contusion sa kanilang laro noong Biyernes kontra Miami Heat.

Tumipa si Josh Richardson ng 16 points para sa Dallas, at nag-ambag si Tim Hardaway Jr. ng 13. Nagdagdag si Brunson ng game-high seven assists.

CLIPPERS 112,
SUNS 107

Humataw si Paul George ng 39 points at pinutol ng bisitang Los Angeles Clippers ang four-game winning streak ng Phoenix Suns sa pamamagitan ng 112-107 panalo.

Tumirada si Kawhi Leonard ng 15 points sa 4 for 21 shooting, at umiskor sina Luke Kennard at Nicolas Batum ng tig-14 points para sa Clippers.

Nagposte si Devin Booker ng 25 points at 8 assists, nagbuhos si Deandre Ayton ng 24 points at 8 rebounds, at tumapos sina Chris Paul at Dario Saric na may tig-15 points para sa Suns.

Sa iba pang laro ay ginapi ng Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves, 124-109; dinurog ng
Utah Jazz ang San Antonio Spurs, 130-109; at ginutay ng Washington Wizards ang Brooklyn Nets, 123-122.

Comments are closed.