ZAMBOANGA CITY -ARESTADO ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Marine Battalion Landing Team 11 ng Philippine Army sa Barangay Sangali.
Kinilala ang naarestong bandido na si Kahar Indama alyas Khang, residente ng nasabing barangay.
Natukoy naman ng awtoridad na pinsan ito ni Basilan ASG leader Furuji Indama.
Bihasa si Kahar Indama sa paggawa ng Improvised Explosive Device at sangkot sa pagpapasabog sa Batasan Complex sa Quezon City noong Nobyembre 13, 2007.
Sa pagsabog nasawi si Basilan Congressman Wahab Akbar at pagkasugat ng pitong iba pa kabilang ang dalawang mambabatas.
Sangkot din ang suspek sa pananambang sa tropa ng 4th Special Force ng bansa noong 2007 na dahilan ng pagkamatay ng 7 CAFGU, 1 BPAT at pagkasugat ng 3 Army Officers, 4 enlisted personnel at 1 isa pang CAFGU.
Ayon kay Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng PRO 9, inaresto si Indama sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang mga Improvised Explosive Device (IED) components, isang caliber .38 revolver na may 3 ammunitions. REA SARMIENTO
Comments are closed.