NASAWI sa engkuwentro ng militar sa Shariff Aguak, Maguindanao ang isa sa mga suspek sa pambobomba sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang binawian ng buhay na si Norodin Taib, miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at residente ng Sitio Lab, Baran-gay Kuloy.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief, Maj. Gen. Cirilito Sobejana, tumanggap sila ng impormasyon mula sa mga sibilyan sa kuta ng mga terorista na sangkot umano sa pambobomba sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat noong Agosto 28 at Setyembre 2.
Agad namang naglunsad ng operasyon ang Joint Task Force Central na pinangunahan ni 601st brigade commander, Brig. Gen. Diosdado Carreon.
Sinasabing papalapit pa lamang ang mga sundalo sa isang bahay sa Sitio Lab ay mabilis na nagsitakbuhan ang apat sa mga suspek habang si Taib ay naghagis daw ng granada.
Napatay ang suspek nang paputukan siya ng mga sundalo.
Narekober ng Joint Task Force Central sa kuta ng mga terorista ang isang improvised explosive device (IED) dalawang improvised na granada, tat-long cellphone at mga importanteng dokumento. AIMEE ANOC
Comments are closed.