(Nagpasiklab sa social media) LISENSIYA NG 3 BIG BIKE RIDERS BINAWI

LAGUNA- ISANG araw matapos bawiin ng Land Transportation Office ( LTO) ang lisensiya ng SUV driver na nakasagasa ng isang security guard sa Mandaluyong City, ni-revoke rin ang lisensiya ng tatlong ” big bike” riders na nag- viral online nito lamang Mayo 20.

Sa inilabas na resolusyon ng tanggapan ni LTO ASec. Edgar Galvante matapos ang halos isang buwang pag-aaral sa kaso ay nagdesisyon ng ahensiya alinsunod sa rekomendasyon ni BGen. Rommel Francisco Marvil, Highway Patrol Director na siyang personal na humuli at kumastigo sa tatlong nasabing riders na nag-video ng kanilang stunts at zigzag technique skills habang nagmamaneho sa national highway sa Binan, Laguna.

Matatandaan na umani ng libo-libong batikos at comments sa FB, twitter at maging sa messenger ang pagewang- gewang na pagmamaneho ng mga umano’ y big bike riders ng Laguna.

Pinagbatayan ng LTO ang desisyon na nakapaloob sa Section 27 ng R.A 4136 na nagsasaad ng mga sumusunod na violation gaya ng reckless dri­ving; failure to wear helmet; failure to attach license plate; unauthorize accessories at improper person to operate vehicle.

Ang tatlong nasabing big bike riders ay hindi na rin makapagmamaneho ng anumang uri ng motor vehicle. ARMAN CAMBE