SA KABILA ng batang edad ni Baeby Baste, isa sa mga host ng “Eat Bulaga,” alam na niya ang responsibilidad ng kanyang amang pulis mula sa Philippine National Police, na kilala sa tawag na ‘Papa Sol.’
Katatapos lamang gumaling ni Papa Sol pagkatapos niyang maging isa sa mga pulis na naging positibo sa COVID-19. Kahit miss na miss na nila ang kanilang ama, alam nilang kailangang bumalik pa rin nito sa serbisyo bilang isang frontliner. Kaya nagpaabot ng dasal si Baste sa ama at sa iba pang frontliners.
“Lord kayo na po ang bahala sa Papa Sol ko at sa iba’t ibang frontliners sa buong mundo. Alam ko po di Niyo po sila pababayaan. Kaya please lang Lord, i-protect po Niyo sila kasi sobrang dami pong naghihintay sa kanila, mga family nila. Saludo po kami sa inyo. In our own little way, sana po ay makapagbigay ng ngiti po ito sa inyo… ipag-pray ko po kayong lahat.”
Sa kabila nito, patuloy pa rin si Baeby Baste at ang mommy Shiela niya sa pagpapaabot ng food at medical supplies sa PNP frontliners.
BETONG SUMAYA NAGBUNGA ANG KABAITAN, BUHOS ANG BIYAYA
PINAGPAPALA talaga ang mga taong mababait at mahal ang trabaho. Isa si Albert Sumaya o mas lalong kilala bilang si Betong Sumaya. Isa si Betong sa kilala naming artista na walang karekla-reklamo, basta kaya niya kahit anong ipagawa mo sa kanya, gagawin niya, kaya nga grand winner siya ng Survivor Philippines noon.
Maganda ang boses, nagamit ito ni Betong na makapunta sa iba’t ibang lugar sa mundo, dahil madalas siyang isama ng mga kapwa artists niya sa kani-kanilang concert here and abroad, may co-singer na may comedian-host pa sila.
At nagawa na nga niyang makapag-solo major concert sa Music Museum last year. At this year, sa kabila ng dinaranas nating enhanced community quarantine, natupad ang isa pang dream ni Betong. Ang makagawa ng single. At natupad nga ito nang matapos na niya ang isang novelty single, at ang ganda ng title, “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko,” mula sa GMA Music, kaya labis-labis ang pasasalamat niya. “I am so thankful.
“Nag-uumapaw ang kaligayahan sa aking puso kasi pangarap ko talaga ito pero hindi ko alam kung paano maisasakatuparan until nabigyan ako ng chance ng GMA Music. Isa na namang pangarap ko ang natupad. Thank you Lord, hindi po ako makapaniwala, salamat po.”
Mapapakinggan na rin ang single ni Betong sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide simula sa Martes, April 28.
Comments are closed.