NAGPOSITIBONG PULIS SA COVID-19 SUMAMPA SA 111

covid

ISA na namang pulis ang binawian ng buhay matapos na magkasakit ng COVID -19.

Kinilala ito ni NCRPO Director Major General Debold Sinas na si P/SSg Edgardo DL Medrano na nakatalaga sa Manila Police District.

Binawian ito ng buhay sa C.T. Reyes Hospital, Tanauan City, Batangas noong Agosto 11 kung saan siya na-confine at sumailalim sa dialysis.

Si Medrano ang pang- 13 pulis na namatay dahil sa COVID 19.

Samantala nadagdagan pa rin ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 na kung saan ay umaabot na  sa 2,732.

Sa ulat ng PNP Public Information Office kahapon, may panibagong 111 na mga pulis ang infected ng COVID- 19 na kung saan 43 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa NCRPO, 40 sa PRO4B, 12 sa PRO4A, Tig-dalawa sa SAF at ACG.

Habang tig-isang pulis na nakatalaga sa PNP Engi­neering Service, Headquarters Service, CSG, AVSEG, Maritime group, PSPG, HPG, PRO7, PRO8, PRO9,PRO Cordillera at PRO BAR ang nagpositibo rin.

Pero magandang balita  dahil sa bilang  ng mga nagpositibo, 1,800 na ang  gumaling habang inoobserbahan pa ang 764 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,202 na pulis ang suspect case ng COVID -19. REA SARMIENTO

Comments are closed.