LUMAKAS ang Philippine peso kontra US dollar makaraang humina ng halos 13 percent sa nakalipas na ilang buwan.
Sa datos mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP), ang piso ay nagsara sa P57.97:$1 nitong Biyernes, Oct. 28. Ang record low nito ay P59 sa $1.
Inaasahan na ng mga analyst ang seasonal increase sa remittances sa holiday season upang pansamantalang lumakas ang piso.
Sa pahayag ni BDO Capital President Ed Francisco sa ANC noong Huwebes, bilyon-bilyong pisong remittances sa huling tatlong buwan ng taon ang maaaring makatulong sa local currency.
“That would also, hopefully, relieve pressure for the peso…hopefully, things will settle down inflation will normalize across the world and there will be less pressure for the peso then,” aniya.
Ang halaga ng piso kontra dolyar ay ilang ulit nang sumadsad sa P59.