HINDI SUSUNOD SA SRP BINALAAN NG PALASYO: MULTA, NEGOSYO ISASARA

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na mayroong Suggested Retail Price (SRP) na ipinatutupad ang DTI na dapat sundin ng mga trader.

Ito rin ang gabay ng mga  mamimili  upang matiyak na tama ang pres­yo ng kanilang mga binibili.

Hinikayat pa ni Roque ang mga mamimili na  isumbong sa DTI ang mga mapagsamantalang indibidwal na bukod sa multa ay maaaring maipasara ang kanilang negosyo kapag napatunayang hindi sinusunod ang SRP.

Ayon kay Roque, hindi  talaga mapipigilan ang  mga pagtaas ng presyo sa ilang bilihin bunsod ng pagtaas sa presyo ng petrolyo  sa  world market  ngunit  pakiusap ng Palasyo, huwag namang gawin itong alibi gayundin ang TRAIN law para pahirapan pa ang mga consumer.

Dahil dito ay pinag-aaralan na ng gobyerno na umangkat ng langis sa mga bansang hindi mi­yembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Posibleng alternatibong pagkunan ng suplay ng langis ang Estados Unidos at Russia, dagdag ng Palasyo.

Kabilang sa mga tu­maas ang presyo ay ang gulay, bigas,  isda,  school supplies at maraming iba pa.  CAMILLE BOLOS, AIMEE ANOC

 

 

Comments are closed.