NAGSIMULA nang dumating sa bansa ang mga imported na bigas sa ilalim ng bagong tariff scheme.
Hanggang July 11 ngayong taon, may 302 import clearances ang inisyu na may mababang taripa, tulad ng minamandato ng Executive Order 62.
May 35,594 metric tons ng imported na bigas ang dumating sa bansa, at inaasahang ibebenta ito sa mas mababang halaga.
Base sa paunang pagtaya, P6 hanggang P7 kada kilo ang matatapyas sa retail prices dahil sa bawas-taripa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), mararamdaman ng publiko ang pagbaba sa presyo ng bigas sa Agosto.
“Unti-unti na, ‘yung imported ngayon ng rice is lower na than local. August ‘yan mararamdaman talaga, ‘yung pumasok na sa mga palengke. Ngayon di pa ganon kalaki, unti-unti pa lang dumadating sa mga palengke,” sabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa.