ISABELA – SA unang pagkakaton idinaan sa draw lots ang pagpili sa ikawalong miyembro ng Sangguniang Bayan sa Palanan matapos na magtabla sa botong 3,058 votes ang dalawang kandidato sa nasabing bayan.
Ang dalawang kandidato ay sina Jojo Gonzales at si Teo Angelo Garcia na ang naging witness sa drawlots ay si MLGOO Ruby Rose Baccay.
Paliwanag ni Baccay ng Palanan na isinasagawa ang draw lots o toss coin sa nag-tie na kandidato at ito ay nakasaad sa Local Government Code.
Sa panig naman nang nagtablang kandidato na wala silang magagawa kundi tanggapin ang nasabing panuntunan na kung sino ang makakabunot ng numerong 8, ay siyang uupong sangguniang bayan at kung sino ang makabunot ng numerong 9, ay siyang talo.
Sinabi naman ni Election Officer Emmanuel Aggabao na napagpasyahan nilang idaan sa draw lots ang pagpili kung sino sa dalawang kandidato ang uupong ikawalong Sangguniang Bayan member.
Ang mapalad na uupo sa ikawalong puwesto ay si Ginoong Theo Garcia matapos makuha ang number 8 sa ginanap na draw lots.
Makakasama niya sa sangguniang bayan ng Palanan, Isabela sina Pacita Mona Anastacio, Ronnie Atienza, Earl John Bernardo, Michael John Bernardo, Gloria Cauilan, Criselda dela Penia, at Robert Neri. IRENE GONZALES
Comments are closed.