(Nagtamo ng ALC injury sa B.League) SOTTO ‘OUT’ SA GILAS SA FIBA QUALIFIERS?

KINUMPIRMA ni Kai Sotto na nagtamo siya ng ACL injury sa isang insidente sa pagkatalo ng Koshigaya sa Mikawa sa Japan B. League noong weekend.

Inanunsiyo ng 7-foot-3 bruiser ang kaganapan sa kanyang social media account nitong Miyerkoles.

“The worst way to start the year, might be the darkest day of my basketball career, when I was told I tore my ACL,” sabi ni Sotto.

“Tough to let this one sink in.”

Dahil sa injury, malaki ang posibilidad na hindi makapaglaro si Sotto sa darating na kampanya ng Gilas Pilipinas sa third at final window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers, kung saan makakasagupa ng mga Pinoy ang Chinese Taipei at New Zealand sa two away games.

Ang 22-anyos na si Sotto ay inilagay rin sa injury list ng Koshigaya at hindi rin makapaglalaro sa B. League Asia rising Star Games sa January 18.

“I appreciate all the love and support everyone has given me these past few days. I know God has a better plan for me and we just have to keep going,” dagdag pa ni Sotto.

Nauna nang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na posibleng hindi na sila magdagdag sa pool para sa darating na window, at sa halip ay panatilihin na lamang ang kasalukuyang pool of players.