NAGTAPON NG BASURA SWAK SA SELDA

JAILED

CAVITE – KALABOSO ang 38-anyos na lalaki makaraang ares­tuhin ng mga barangay tanod sa aktong pagtatapon ng basura sa ilog ng Barangay Paliparan-1 sa Dasmariñas City.

Kinasuhan sa paglabag sa RA 9003 (Waste Management Act) ang suspek na si Robert Lanosa ng Phase 5A sa Barangay Bulihan sa bayan ng Silang, Cavite.

Base sa ulat ni Barangay Tanod Alvin De Villa na naisumite sa Camp General Pantaleon Garcia, namataan ang suspek na may bitbit na dalawang plastic bag ng basura kung saan itinapon sa ilog.

Ayon pa ulat, tinangkang sitahin ng mga barangay tanod ang suspek dahil itatapon muli ang ikalawang plastic bag ng basura subalit naagapan ito.

Sa pagsusuri ng mga tanod sa ikalawang plastic bag ng basura ay nadiskubre na kilo-kilong dumi ng tao at hayop ang nilalaman nito kaya kaagad na inaresto ang suspek.

Kasalukuyang inihahanda na ni PO2 Christopher Postrero ang ebidensiya para sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspek. MHAR BASCO

Comments are closed.