NAGTATAPON NG GAMIT NANG RAPID TEST KIT WINARNINGAN NG DOH

rapid test

WINARNINGAN ng Department of Health (DOH) ang mga health care facilities laban sa hindi maayos na pagtatapon ng kanilang mga basura, partikular na ang mga hazardous wastes.

Ang babala ay ginawa ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire kasunod ng mga kumalat na gamit na rapid test kit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa M. dela Fuente Street, malapit sa Trabajo Market, sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi

Ayon kay Vergeire, ang mga health care waste ay hindi dapat naisasama sa mga regular na basura dahil iba ang paraan ng pag-handle sa mga ito.

Ipinaliwanag ng opisyal ang panganib na maaaring idulot sa kalusugan ng mga health care waste na ito.

Inihalimbawa pa niya ang mga ginagamit sa COVID-19 na kung hindi maayos ang disposal ay maaaring pagmulan ng impeksiyon.

Aniya, ang health facilities na lalabag dito ay maaaring patawan ng warning sa unang paglabag, suspensiyon ng lisensiya sa ikalawang paglabag at ang pinakamabigat na parusa ay matanggalan ng lisensya. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.