NAGTITINDA NG KARNE LIBRENG UPA SA PALENGKE

BILANG  tulong ng Pamahalaang Lokal ng Caloocan City sa mga nagtitinda ng baboy at manok, hindi na pagbabayarin ang ito ng upa sa palengke hanggang Hulyo ngayong taon.

Inihayag ni Mayor Oscar Malapitan na sa loob ng linggong ito ay maglalabas ng ordinansa ang Pamahalaang Lungsod upang pansamantalang hindi muna pagbayarin ng renta ang mga magtitinda sa Maypajo at Langaray Public Market hanggang Hunyo 31.

Layon nito na makaagapay ang mga market vendor na labis na apektado ng pandemya at ng itinakdang price cap ang baboy at manok.

Nabatid na magsagawa ng inspeksiyon sa Maypajo Market ang mga kinatawan ng Department of Agriculture Bantay Presyo Task Force, kaugnay ng ipinatutupad na price ceiling sa baboy at manok. VICK TANES

Comments are closed.