NUEVA ECIJA-SUMUKO sa militar ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ng Komiteng Larangan Gerilya Sierra Madre (KLG SM) na kumikilos sa lalawigan ng Aurora.
Base sa report ni 91st Infantry Battalion Commander, Lt/Col. Reandrew Rubio, isa sa dahillan ng pagsuko ay ang gutom na nararanasan sa gubat at ang labis na pangungulila sa kanilang mga pamilya sa bayan ng San Luis sa Aurora.
Isinurender din ng mga rebelde ang ang dalawang unit ng M16 armalite rifles at isang M653 o baby armalite rifle.
Nabatid na sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan makatatagap ang tatlo ng tig- P15,000 inisyal assistance, P50,000 livelihood assistance at P50,000 bilang kabayaran sa isinukong armas.
Tutulungan din sila ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), bibigyan ng legal assistance mula sa Department of Justice (DOJ), at pabahay mula naman sa National Housing Authority (NHA).
Samantala binigyang pugay ni Major General Alfredo V. Rosario Jr. ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, ang 91IB sa maganda at maayos na pagsuko ng mga rebelled. THONY ARCENAL
Comments are closed.