NAGWALA SA RESTO BAR NA VK OPERATOR INARESTO

Video Karera

BULACAN – DALAWA katao kabilang ang isang operator ng Video Karera (VK) Machine ang nadakip ng awtoridad matapos ang  police operation at police response sa bayan ng Sta. Maria at Baliwag.

Sa report ni P/Col.Emma M. Libunao, Acting provincial director ng Bulacan PPO, nakilala ang naarestong sina Vevencio Llaban, 54, ng Barangay Caysio, Sta. Maria; at Von Leeroy Rodriguez, 27, ng Barangay Poblacion, Baliwag na kapwa nakadetine ngayon dahil sa magkaibang kasong kinakaharap.

Nabatid na sinalakay ng awtoridad ang tinitirhan ni Llaban sa Barangay Caysio, Sta. Maria dahil nag-o-operate ito ng VK machines sa nasabing lugar at sinasabing isa sa mga nasa likod ng pagkalat ng sugal na VK machiners sa nasabing munisipalidad kaya inaresto at nahaharap sa kasong illegal gambling.

Dinakip naman si Rodriguez matapos itong magwala sa restobar sa Barangay Poblacion, Baliwag at bugbugin ng isang kostumer sa lugar gamit ng bote ng serbesa habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan at nahaharap ang suspek sa kasong frustrated homicide. MARIVIC RAGUDOS