(Nahuling nangingisda sa teritoryo ng Filipinas) PHL NAGHIHINTAY SA VIETNAM GOV’T PARA SA 10 VIETNAMESE

nangingisda

ISABELA – PATULOY na naghihintay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 mula sa Vietnam government upang tulu­ngan ang 10 Vietnamese na nahuling nangingisda sa Calayan Island sa Cagayan.

Ito ay matapos na ipasakamay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayan ng Aparri ang mga Vietnamese matapos masampahan ng kasong paglabag sa Fisheries Code of the Philippines dahil sa ilegal na pangingisda.

Ayon kay Ginoong Max Prudencio, tagapagsalita ng BFAR-Region 2, kapag sobrang tagal na at wala pa ring tumutulong sa 10 Vietnamese ay makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs para sila ang makipag-ugnayan sa embahada ng Vietnam.

Kung maaalala, ang dalawang fishing vessel na lulan ng 10 Vietnamese ay naaresto ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard at fishery enforcer ng BFAR.

Nakuha sa kanilang mga bangkang pangisda ang iba’t ibang uri ng mga ipinagbabawal na isda. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.