NAIA 4 ISASARA MUNA

Pansamantalang isasara sa riding public ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4, alinsunod sa gagawing renovation dito upang maging komportable ang mga pasahero.

Ayon sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), magsisi­mula sa darating na Nob­yembre 6 ang pagsasara at inaasahang matatapos ang konstruksiyon ng airport na ito sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon.

Ang 36 domestics flight na kinabibila­ngan ng Cebu Pacific, Air Swift, at Sunlight Air, ay ililipat sa terminal 2, upang hindi maantala ang kanilang daily flights sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Ayon pa sa NNIC, ang NAIA Terminal 4 ay mayroong tinatayang aabot sa 2,900 mga pasahero bawat araw, at mayroon din itong 1,400 incoming at 1,500 outgoing passengers  na kumakatawan sa  2.23% ng total daily passenger volume ng NAIA.

Sinabi ng  tagapagsa­lita ng NNIC  na kanilang layunin na gawin ang Terminal 4 na mas kompor­table para sa mga biyahero.

FROI MORALLOS