NAKATAKDANG magsagawa ng inspection sa Lunes si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa apat na terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang paghahanda sa ipatutupad na “Oplan Biyaheng Semana Santa 2019”.
Ayon kay MIAA Media Affairs head Jess Martinez, sa Abril 8 magsisimula ang Oplan Biyaheng Semana Santa upang paigtingin pa ang paghahanda dahil sa inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa paliparan.
Inabisuhan na ang lahat na mga kawani ng MIAA ng “ No Day Off Policy” upang lubos na matugunan ang pangangailangan o tulong ng mga pasahero sa oras ng kanilang biyahe pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.
Mahigpit din na ipinag-utos ni Monreal sa mga pasaherong may flight schedule na dapat ay nasa airport na dalawa hanggang tatlong oras bago ang kanilang departure.
Pinahihigpitan din nito ang inspection sa mga bagahe upang masigurong walang nailagay na makas-asagabal sa biyahe at maiwasan ang anumang abala sa paglalakbay. FROI MORALLOS
Comments are closed.