BINUKSAN ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), sa lahat ng uri ng sasakyan ang main arrival curbside ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 upang bigyan ng pagkakataon na makapag-unload at mag-pick up ang mga pribadong sasakyan sa nasabing lugar.
Matatandaan noong mga nakaraang administrasyon ang NAIA Terminal 1 curbside ay para lamang sa mga VIP o very important persons na mag-unload o mag pick-up sa lugar na ito.
Ayon sa NNIC, ang bagong sistemang ito, mabibigyan ng oportunidad ang mga pasahero at transport services na mapa-familiarized sa mga pagbabago upang masigurong maging maayos ang transition bago dumating ang full implementation nito.
Ang main arrival curbside ay mayroon designated 14 loading bays, ito ay magmumula sa A1 to A14 kung saan pini-pick up ng mga pribadong sasakyan ang pasahero.
Ang Bays A8 at A9 ay designated para lamang sa mga taong may kapansanan o tinatawag na person with disabilities (PWDs) habang Bays A11 at A12 ay mananatiling naka-reserved for VIP pick-ups.
At ang Bays A13 and A14 ay para naman sa mga hotel pickups at sa sistemang ito ay magiging maaliwalas at komportable na sa mga parating sa pasahero ang pagsundo sa kanila.
Habang ang outer curbside B1 hanggang B6 ay designated bilang additional pickup areaat ito ay maari rin gawin bilang dedicated meet and great area at ang grab ride-hailing booths ay ilalagay rin sa lugar na ito, upang madaling makasakay ang mga pasahero.
Samantalang ang Rent-a-Car services, coupon taxis, at yellow metered taxis ay ipupuwesto sa arrival extension area sa ground level.
Kasabay nito, maglalagay din ang NNIC ng maliwanag na directional signage sa loob ng terminal at ang airport personnel ang mag-aasiste sa mga pasahero at driver para sa kani-kanilang zones.
FROILAN MORALLOS