IGINIIT ni Senador Migz Zubiri na mas pabor siyang ibalik na lamang sa Manila International Airport (MIA) imbes na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Ferdinand E. Marcos International Airport.
“Gawin na lang natin na Manila International Airport, balik na lang natin sa original… kasi siyempre yellow against red na naman yan, neutral na lang tayo,” sabi ni Zubiri sa panayam ng mga mamamahayag.
Iginiit naman niya na hindi mapipigilan ang mga mambabatas na maghain ng mga panukalang batas.
“We cannot prevent them, that is their right. Kaya nga may committee hearings, may proseso ‘yan para ma-correct natin inefficiencies. Kaya po ‘yung mga ridiculous na bills na binanggit ko, we have no right to stop anyone from filing a measure,” dagdag ni Zubiri. LIZA SORIANO