NAIA REHAB TULOY NA

NAIA-9

MAISASAKATUPARAN na ang planong isailalim sa rehabilitasyon ang congested Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang aprubahan ito ng pamahalaan.

Pinayagan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Presidente Rodrigo Duterte ang NAIA Rehabilitation Project matapos ang ilang bersiyon ng panukala.

Paulit-ulit na isinumite ng NAIA Consortium na binubuo ng Aboitiz InfraCapital, Inc.; AC Infrastructure Holdings Corp.; Alli-ance Global Group, Inc.; Asia’s Emerging Dragon Corp.; Filinvest Development Corp.; JG Summit Holdings, Inc.; at Metro Pacific Investments Corp. ang revised proposals sa Department of Transportation (DOTr) bago ito tinanggap ng gobyerno.

Naunang sinabi ng transportation officials na pinaplantasa nila ang NAIA rehabilitation plan matapos ang Clark International Airport dahil kailangang panatilihin ng dalawang gateways ang daily operations habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Unang isinumite ng consortium ang unsoli­cited proposal na isagawa ang NAIA repairs noong ­February 2018, na may original contract price na ₱350 billion para sa 35-year concession period.

Kailangan pang sumailalim ang proyekto sa Swiss challenge, kung saan ang ibang kompanya ay maaaring magsumite ng mas kumpetitibong counter-proposals. Kung wala na ay saka lamang igagawad sa NAIA Consortium ang kontrata.           PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.