NABULABOG ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Airport Police Department (APD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos makatanggap ng bomb threat kahapon ng umaga.
Ayon sa report,isang text message ang nakarating sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) kung kaya’t agad na inalerto ang mga operatiba sa NAIA upang maprotektahan ang mga pasilidad ng airport.
Kasabay nito, agad nag -deploy o nagpakalat ng mga tauhan ang PNP Avsegroup katuwang ang mga K-9 unit, operatiba ng Special operation Unit ng PNP at EOD, upang halughugin ang iba’t-ibang sulok ng airport.
Tumagal ng halos tatlong oras sa paghahanap sa naturang bomba ngunit walang nakitang bomba ang mga operatiba.
Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy na sinusuyod ng mga operatiba ang lahat ng sulok ng airport gamit ang K9.
FROILAN MORALLOS