PARAÑAQUE CITY – HINDI lang ang Philippine National Railways (PNR) ang pinaralisa kahapon ng Tropical Storm Ineng kundi ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 na binaha sa tindi ng pag-ulan.
Batay sa nag-viral na larawan sa social media, ipinakita na halos umabot ng hanggang tuhod ang baha sa paliparan.
Ito rin ang dahilan kaya na-divert sa Clark International Airport ang ilan sa mga flights na nakatakda sanang mag-take-off at bumaba sa NAIA.
Maaga pa lamang kahapon ay halos hindi na makita ang kapaligiran ng paliparan dahil sa matinding ulan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM