NAIA TURNOVER HANDA NA SA SET. 14

HABANG papalapit ang nakatakdang turnover ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), muling pinagtibay ng mga stakeholder ang kanilang commitments upang palakasin ang overall operations ng pangunahing paliparan ng bansa.

Sa unang Aviation Forum na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) at ng San Miguel Corp. (SMC) sa Makati Diamond Residences noong Lunes, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na kumpiyansa siya na maihahatid ng SMC-led New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ang ‘parameters’ sa NAIA rehabilitation na itinakda ng ahensiya

Sa Setyembre 14, ang paglipat sa bagong NAIA management ay simula ng modernisasyon ng mga pasilidad ng airport, at tutugon sa matagal nang mga isyu tulad ng congestion, outdated infrastructure, at pagkakaantala ng serbisyo.

“We have no doubt these SMC-implemented projects, once completed, will conform with the comfortable, accessible, safe, secure, and affordable parameters we instituted in DOTr,” wika ni Bautista.

Sinabi ni NNIC general manager Angelito Alvarez na target ng NAIA public-private partnership (PPP) project na palawakin ang terminal capacity sa 62 million passengers taon-taon mula 35 million passengers design capacity at dagdagan ang runway hourly rate capacity mula 42 air traffic movements peak sa 48 sa loob ng unang apat hanggang limang taon matapos ang turnover.

Aniya, hindi sisirain ng NNIC ang kasalukuyang operasyon ng NAIA at ang mga pagbabago ay unti-unting ipatutupad.

Bago ang 2030, ang mga biyahero ay makaaasa, aniya, ng bagong terminal na magkokonekta sa Terminal 2, isang koneksiyon ng Terminal 3 sa Metro Manila Subway, upgraded baggage handling system, updated passenger processing systems, mas maraming parking spaces, at world-class retail at F&B experience.

Sa kanyang panig, sinabi ni Department of Tourism (DOT) Undersecretary Verna Buensuceso na ang modernisasyon ng main gateway ay magpapalakas sa tourism sector ng bansa, kung saan magiging key hub ito sa Southeast Asia.

Aniya, ang visitor arrivals sa airports ay tumaas ng 6.26 percent, kung saan ang NAIA ang nagtala ng pinakamalaking bilang ng arrivals sa 2.7 million.

“What is interesting about the DOT is that we are now increasing the connectivity of our destinations directly into markets. For example, Cebu Pacific is starting its flights from Iloilo to Singapore and Hong Kong, and Davao to Bangkok for Air Asia, and Philippine Airlines, there’s Manila Nagoya and Manila to Seattle. These are new developments that we welcome very much to be able to open up new destinations and markets for us,” sabi pa niya.

Samantala, sinabi ni SMC chairman and chief executive officer Ramon Ang na ang rehabilitation period ng NAIA ay isang “exciting time” para sa bansa at sa mga Pilipino.

“It’s an exciting time because we are about to make history. We can begin the work of modernizing our airport and giving the Filipino people a world-class facility they deserve,” pahayag ni Ang.