NASA 10,996 free WiFi sites na ang nakakabit sa buong bansa, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II.
Sa kanyang report kay Presidente Rodrigo Duterte, sinabi ni Honasan na ang pagkakabit ng naturang sites ay sa ilalim ng Free WiFi for All program ng DICT.
“Mayroon na rin tayo ngayong 10,996 free WiFi sites na nakakabit sa buong bansa, that’s our tally as of now,” sabi ni Honasan.
Aniya, ang programa ay nadagdagan ng 500% noong 2020. May average ito na 800 sites mula 2016 hanggang 2019, subalit noong nakaraang taon ay tumaas ito sa 4,305.
Nauna rito ay sinabi ng DICT na mangangailangan ang pamahalaan ng dalawa pang taon para makapagka-loob ng free Wi-Fi connections sa lahat ng 43,000 barangays at elementary schools sa bansa.
Noong August 2017 ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Free Internet Access in Public Places Act, na nag-mamandato sa gobyerno na magkaloob ng libreng internet access sa mga pampublikong lugar sa bansa.
867387 534446Whoa! This blog looks just like my old one! Its on a completely different subject but it has pretty a lot exactly the same layout and style. Outstanding choice of colors! 793859
126696 896063Oh my goodness! an superb post dude. Numerous thanks Nevertheless We are experiencing dilemma with ur rss . Dont know why Not able to sign up to it. Could there be anybody acquiring identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 655940
194901 816423Some genuinely marvellous work on behalf of the owner of this internet web site , perfectly fantastic content . 5569