NAIMPRENTANG BALOTA 50M NA

BALOTA-1

INIHAYAG ni  Commission on Elections (Comelec)  Spokesperson James Jimenez umabot na sa 50 milyon ang naim-prentang balota ng  National Printing Office (NPO) para sa 2019 national at local elections.

Ani Jimenez, base sa datos na mula nang simulan ang ballot printing hanggang nitong nakalipas na Huwebes, Marso 28 ay ha-los na 80 porsyento o mahigit 49,500,000 na ang naiimprenta ng NPO mula sa target na 63,662,481 na balota.

Kaya’t  kumpiyansa ang Comelec na matatapos nila ng mas maaga ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa nalalapit na halalan.

Aniya, sa ngayon ay ang mga balotang para sa dalawang rehiyon na lamang, na kinabibilangan ng National Capital Region (NCR), ang kinakailangang matapos.

Nauna nang sinabi ng Comelec na inaasahan nilang makukumpleto na ang mga balota sa Abril 25.

Comments are closed.