UMABOT na sa P12 million mula sa P1.1 bil- lion na fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa na apektado ng serye ng oil price hike ang naipamahagi ng De- partment of Agriculture (DA).
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, makatatanggap ng P3,000 na subsidiya ang mga magsasakang rehistrado sa ilalim ng Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBA) at mga mangingisdsa sa ilalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
“Ang priority muna ‘yung mga nakalista na. So, we’re still encouraging others to have their names registered sa RSBSA. Patuloy naman po ‘yung registration dahil nakaka-P12 million pa lang kami buong bansa,” ani Reyes.
Aniya, ang P1.1-billion allocation para sa programa ay pinondohan sa pamamagitan ng P500 million mula sa 2022 budget, at ang nalalabing P600-M ay kinuha sa kaaapruba pa lamang na Department of Budget and Management (DBM).
Nasa 300,000 magsasaka at mangingisda ang makikinabang sa programa.
Sinabi ni Reyes na magpapatuloy ang alokasyon ng fuel subsidy ngayong buwan makaraang i-exempt ng Commission on Elections (Comelec) ang subsidy programs ng DA para sa eligible farmers at fisherfolk sa election spending ban.