(Naipamahagi na ng DA sa Region 2) P8-M AYUDA SA ASF-AFFECTED HOG RAISERS

Narciso Edillo

NAIPAMAHAGI na ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 ang mahigit P8 milyong bayad-pinsala para sa mga mag-sasakang apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Lambak ng Cagayan nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo, ang nasabing tulong pinansiyal ay bahagi ng pondo para sa second wave ng ASF noong fourth quarter ng 2020, mula sa Quick Response ng Department of Budget and Management (DBM).

Aniya, ito ay naipamahagi sa 252 magsasaka at kinabibilangan ng 1,687 heads ng culled hogs mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Quirino.

Sa nasabing pondo, pinakamalaki ang napunta sa Isabela na may P4.18 milyon ang alokasyon bilang ayuda sa 836 heads ng culled hogs at 126 magsasaka; Quirino na may  P4.065 milyon para sa 813 heads ng culled hogs at 120 magsasaka; at Cagayan na may P190,000 para sa 38 heads ng culled hogs at anim na magsasaka.

Sinabi ni Edillo na hinihintay na rin ang pagdating ng P161.295 milyon na karagdagang pondo mula sa Contingency Fund ng Pangulo.

“Ito ay nai-request pa natin noong nakaraang taon at hinihintay na lang ang release para maibahagi kaagad sa mga beneficiaries,” dagdag ng direktor.

Sa P169-M hiniling na alokasyon, P8-M lamang ang napondohan dahil ayon sa DBM, ang paggamit ng QRF ay limitado sa mga aktibidad sa last quarter at hindi para sa first hanggang third quarter ng taon.

Bukod sa P161.295 milyon, sinabi ni Edillo na nag-request na rin ang DA RFO 02 ng karagdagang pondo na nagkakahalaga ng P15.7 milyon para sa 4th tranche ng second wave ng ASF noong Nobyembre at Disyembre 2020, mula pa rin sa QRF.

Aniya, naibigay na sa DA Central Office ang mga kaukulang papeles para maipalabas na rin ito ng DBM.

3 thoughts on “(Naipamahagi na ng DA sa Region 2) P8-M AYUDA SA ASF-AFFECTED HOG RAISERS”

  1. 935804 273265You designed some decent points there. I looked more than the internet for any issue and identified most individuals goes as well as along with your internet internet site. 17899

Leave a Reply

Your email address will not be published.