(Naipamahagi na ng DSWD)P1-B EDUCATION AID SA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE

SA IKALAWA sa huling Sabado ng pamamahagi ng educational aid, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagbigay na ito ng mahigit P1 billion sa mahihirap na estudyante.

Sa report ng Super Radyo dzBB, nasa P1,033,610,800 na education assistance ang ipinamahagi sa bansa mula August 20 hanggang September 17, 2022.

Tinatayang nasa 414,482 estudyante ang nakinabang sa programa. Kinabibilangan ito ng 136,349 college students, 58,502 senior high school, 92,856 junior high school, at 126,775 elementary students.

Noong September 10 ay inanunsiyo ng DSWD na sarado na ang online application para sa programa para sa mahihirap na estudyante dahil sa pagdagsa ng mga aplikante laban sa limitadong pondo.