NAIPAMAHAGING AYUDA SA NCR, 75% NA

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Jonathan Malaya na nasa 75% na ngayon ang cash aid distribution rate sa National Capital Region (NCR).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Malaya na ito’y katumbas ng P8.4 bilyong ayuda na naipamahagi sa may 8,410,659 beneficiaries.

“Dito po sa NCR, nasa 75% na po tayo na nakatanggap ng ayuda so P8.4 billion na po ang naipamigay nating ayuda sa ating mga kababayan, which means 8,410,659 ang mga benepisyaryong nakatanggap ng ayuda,” ayon kay Malaya.

Nabatid na nangunguna sa local government units pagdating sa distribution rate ay ang Caloocan (96.31%), Quezon City (94.96%), Mandaluyong (92.51%), Navotas (90.68%), Manila (88.39%), Pateros (87.69%), at San Juan (80.40%).

Kumpiyansa naman si Malaya na matatapos ang isinasagawang cash aid distribution sa NCR Plus bago ang itinakdang May 15 extended deadline.

Muling iginiit ng opisyal ng DILG na hindi na nila palalawigin pa ang naturang deadline. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “NAIPAMAHAGING AYUDA SA NCR, 75% NA”

  1. 980473 944507you are in point of fact a excellent webmaster. The website loading velocity is incredible. It seems that youre performing any distinctive trick. In addition, The contents are masterpiece. youve done an excellent activity on this subject! 62888

Comments are closed.