(Nais na makita ang tatlong Balangiga bells) PAGDAGSA NG TURISTA PINAGHANDAAN NG DOT

balangiga bells

HANDA na ang Department of Tourism (DOT) sa inaasahang pagdagsa ng mga turista na nais makakita sa tatlong Balangiga bells.

Ito ang tiniyak kahapon ni Tourism  Secretary Bernadette Romulo-Puyat  kasunod na rin nang pormal nang pagbabalik ng mga naturang makasaysayang kampana sa lumang simbahan sa Eastern Samar, sa isang simpleng seremonya na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Siniguro naman ni Puyat na ang Balangiga Bells ay itinuturing nilang historical treasure na dapat na ipreserba para makita ng mundo at ng mga susunod pang henerasyon.

“We, at DOT, are so happy for the people of Eastern Samar as the homecoming of Balangiga Church bells may yet turn not only Balangiga town but the whole of Eastern Visayas Region, into an emerging tourist destination.  In time for the Christmas season, this is one of the best gifts the region could ask for,” ani Puyat.

Nakikini-kinita na umano ng kalihim na malaki ang maitutulong ng Balangiga Bells sa pagpapaunlad ng turismo sa naturang bayan.

“Eastern Visayas is really rich in history and among those historical places that can help in improving our tourism is the town of Balangiga which has figured prominently in both the Philippine and American history,” aniya pa.

Ang Balangiga ay bahagi ng Eastern Samar na nabiyayaan ng mga atraksiyon na ideyal para sa nature, marine sports, adventure, historical, heritage, cultural at religious tourism.

Sinabi naman ni DOT Region 8 Director Karina Rosa Tiopes, matagal nang tinutulungan ng DOT ang local government unit ng Balangiga sa tourism development projects nito. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.