(Naitala ng DOH) 55 BAGONG KASO NG DELTA VARIANT

UMAABOT na ngayon sa 119 ang total cases ng Delta variant ng CO­VID-19 sa Pilipinas matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 55 bagong kaso ng mas nakahahawang variant ng COVID-19, na unang nadiskubre sa India.

Batay sa ulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) nitong Linggo ng hapon, nabatid na bukod sa naturang mga bagong Delta (B.1.617.2) variant cases, nakapagtala rin sila ng 94 pang Alpha (B.1.1.7) variant cases, 179 na Beta (B.1.351) variant cases, at siyam na P.3 variant cases sa huling batch ng whole genome sequencing na kanilang isinagawa.

Nabatid na sa 55 bagong Delta variant cases, 37 ang local cases, 17 ang Returning Overseas Filipino (ROFs), at isa ang kasalukuyan pang biniberipika kung local o ROF case.

Sa 37 namang local cases, 14 ang mula sa CALABARZON, walo ang mula sa Northern Mindanao, anim ang may address sa National Capital Region (NCR), anim mula sa Central Luzon, dalawa mula sa Davao Region, at isa mula sa Ilocos Region.

Isa mga ito ang sinawimpalad na bawian ng buhay habang 54 kaso pa ang nakareober na.

“This brings the total Delta variant cases to 119,” anang ulat.

Samantala, sa 94 karagdagang Alpha variant cases naman, 87 ang local cases, isa ang ROF, at anim ang biniberipika pa kung local o ROF cases.

Base sa case line list, isa sa mga ito ang nananatili pang aktibong kaso, dalawa ang namatay at 91 kaso ang nakarekober na.

Sa kabuuan, mayroon nang 1,775 total Alpha variant cases sa bansa.

Sa kabilang dako, sa karagdagan namang 179 bagong Beta variant cases, nabatid na 168 ang local cases, apat ang ROFs, at pitong kaso ang biniberipika pa kung lokal na kaso o ROF.

Base sa case line list, dalawa pa sa mga ito ang nananatiling aktibo, isa ang namatay, 175 ang tagged as recovered na, habang hindi pa batid ang kalagayan ng isa pang pasyente.

Sa kabuuan, mayroon nang 2,019 total Beta variant cases sa bansa.

Nabatid na ang karagdagan siyam na P.3 variant cases na naitala ng DOH ay pawang local cases naman at pawang nakarekober na rin.

“The consecutive releases of several batches of whole genome sequencing results over the past week is a result of the added resources being provided to the DOH, UP-PGC, UP-NIH for COVID-19 biosurveillance. Samples with more recent collection dates and those from areas with spikes were prioritized to determine the presence and spread of these variants in these areas,” ayon sa DOH.

Ipinaliwanag nito na ang layunin nang isinasagawa nilang patuloy na whole genome sequencing ay upang magabayan ang overall strategies ng pamahalaan at hindi para sa individual case management.

Ang mga samples anila na na-sequenced na ay dati nang COVID-19-positive kahit ano pang variant ang mga ito, kaya’t ang management at treatment sa mga naturang kaso ay pareho lamang.

Ipinaalala ng DOH na dapat pa ring patuloy na ipatupad ang lahat ng kinakailangang health measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

“With the establishment of the local transmission of the Delta variant, we need a swifter implementation of our response strategies. Local government units must immediately contain observed case increases through granular lockdowns and stronger PDITR implementation,” anang DOH.

“We call on both public and private sectors to ensure active case finding, aggressive contact tracing, immediate isolation or quarantine, and compliance to minimum public health standards in their respective localities and even workplaces. We also call on our community members who have become exposed or developed COVID-19 signs or symptoms to immediately isolate and reach out to their Barangay Health Emergency Response Teams or BHERTs for appropriate medical management,” anito pa. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “(Naitala ng DOH) 55 BAGONG KASO NG DELTA VARIANT”

  1. 497738 180365I basically must tell you that you have written an exceptional and exclusive post that I actually enjoyed reading. Im fascinated by how well you laid out your material and presented your views. Thank you. 589062

  2. 30173 397160Great info, greater nonetheless to uncover out your weblog that has a great layout. Nicely done 217808

Comments are closed.