NAKAPAGTALA ng 33,144 bagong gumaling sa COVID-19 sa araw ng Martes, Enero 25.
Sa huling datos ng Department of Health, umakyat na sa 3,158,597 o 91.3 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nasa 17,677 naman ang bagong kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas.
Dahil dito ay pumalo na sa 3,459,646 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 247,451 o 7.2 porsiyento ang aktibong kaso.
Nasa 79 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 53,598 o 1.55 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.