UMABOT sa 300,000 katao ang naitala ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na lumabag sa quarantine nang magsimula ang lockdown noong Marso 17 .
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, ang lahat ng mga violator ay binigyan ng warning, pinagmulta at ang iba ay sinampahan ng reklamong paglabag sa mga ordinansa.
Batay sa ulat, halos lahat ng mga ginawang paglabag ay dahil sa hindi pagsusuot ng facemask at walang social distancing.
Gayunpaman, patuloy pa rin na nakakatanggap ng report ang JTF COVID Shield kaugnay sa ilang mga violation tulad ng pag- iinuman, pagdalo sa mga party at maging pagsusugal.
Dahil dito, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa ang mas mahigpit na pagpapatupad ng health safety standard protocols para makaiwas sa COVID-19.
Comments are closed.