(Naitala ng PEZA sa 1st half ng 2023) P80.585-B INVESTMENTS

ON track na makamit ang investment targets nito para sa taon, inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Board ang 102 ecozone developer-locator projects na may capital investment na P 80.585 billion para sa first half ng taon.

Ito ay 2.5 ulit na mas mataas sa investment pledges na inaprubahan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon sa ilallm ngadministrasyong Duterte.

“We remain optimistic that we will sustain our positive growth trajectory for the 2nd half of the year, given the notable increase in our KPIs on investments, jobs and exports from a more aggressive whole-of-government approach in investment promotion,” pahayag ni PEZA Director General Tereso O. Panga.

Samantala, sa unang taon ng administrasyong Marcos ay nasa P198.8-billion na halaga ng mga proyekto ang inaprubahan ng PEZA.

Ayon sa PEZA, ang naturang investment pledges ay nagmula sa 206 proyekto na nakarehistro sa ahensiya mula July 2022 hanggang June 2023.

Sa 206 proyekto, 11 ang big-ticket projects, o yaong may capital na hindi bababa sa P1 billion. Ang investments ng nasabing big-ticket projects ay umabot sa P155 billion — kabuuang P119.3 billion para aa ecozone development, P33.95 billion para sa export manufacturing, at P1.76 billion para sa ecozone facilities.

May 33,261 trabaho ang nalikha sa unang taon ng administrasyong Marcos dahil ang employment sa PEZA zones ay umakyat sa 1,805,770 mula 1,772,509.

“We continue to contribute to the overall positive performance of the administration and serve as a tool to constantly attract investments in the country and promote the Philippines as an investment haven in Asia,” sabi pa ni Panga.