(Naitala ng PH noong Hunyo) $155-M BALANCE OF PAYMENTS DEFICIT

NAGTALA ang balance of payments (BOP) ng bansa ng mas mababang deficit noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na inilabas ng BSP nitong Biyernes ay lumabas na ang BOP noong nakaraang buwan ay nagposte ng deficit na USD155 million, bumaba mula sa USD606 million deficit noong June 2023.

“The BOP deficit in June 2024 reflected outflows arising mainly from the National Government’s (NG) payments of its foreign currency debt obligations,” sabi ng BSP.

Ang BOP ay ang kabuuan ng economic transactions ng isang bansa sa iba pa sa mundo sa isang partikular na panahon.

Ang overall position ay maaaring surplus, deficit o balance.

Para sa first half ng taon, sinabi ng BSP na lumitaw sa preliminary data na ang BOP position ay nagtala ng surplus na USD1.4 billion, mas mababa sa USD2.3 billion na naitala mula January hanggang June 2023.

“The cumulative BOP surplus reflected mainly the narrowing trade in goods deficit alongside the continued net inflows from personal remittances, trade in services, net foreign direct investments, net foreign borrowings by the NG, and net foreign portfolio investments,” ayon sa BSP.

Sa kamakailan lamang na datos mula sa  Philippine Statistics Authority (PSA), ang trade deficit para sa January-May 2024 ay umabot sa USD20.6 billion, bumaba mula sa USD23.7 billion deficit na naiposte noong January-May 2023.

Samantala, sinabi ng BSP na ang gross international reserves (GIR) level ay tumaas sa  USD105.2 billion hanggang end-June 2024 mula USD105.0 billion hanggang end-May 2024.

“The latest GIR level represents a more than adequate external liquidity buffer equivalent to 7.7 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income,” ayon sa BSP.

Anim na beses din ito ng  short-term external debt ng bansa base sa original maturity at 3.8 beses  base sa residual maturity.

ULAT MULA SA PNA