NAKAPAGTALA ang bansa ng gross international reserves (GIR) na USD112.43 billion noong Oktubre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng BSP na base sa preliminary data, ang GIR noong nakaraang buwan ay bahagyang bumaba mula USD112.71 billion noong Setyembre.
Ang international reserves, na tinatawag ding GIR, ay foreign assets ng BSP na ang karamihan ay itinatago bilang investments sa foreign-issued securities, monetary gold, at foreign exchange.
“The month-on-month decrease in the GIR level reflected mainly the national government’s net foreign currency withdrawals from its deposits with the BSP to settle its foreign currency debt obligations and pay for its various expenditures,” ayon sa BSP.
Dagdag pa ng central bank, ang net international reserves, o ang pagkakaiba sa pagitan ng reserve assets (GIR) ng BSP at ng reserve liabilities (short-term foreign debt at credit at loans mula sa International Monetary Fund), ay bahagyang bumaba sa USD112.39 billion noong nakaraang buwan mula USD112.67 billion noong Setyembre.
Gayunman, sinabi ng BSP na ang latest GIR level “represents a more-than-adequate external liquidity buffer equivalent to 8.1 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income.”
“Moreover, it is also about 4.5 times the country’s short-term external debt based on residual maturity,” dagdag pa nito.
Ang GIR ay sinasabing sapat kung kaya nitong tustusan ang kahit tatlong buwang halaga ng imports of goods at payments of services at primary income ng bansa.