(Naitala ng PH sa 2022) 6.12M INT’L ARRIVALS

MALAKI ang itinaas ng bilang ng international arrivals sa bansa noong 2022, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

“The BI processed a total of 6,125,841 arrivals in 2022 – a major leap from the last two years, wherein our airports were quiet due to the decrease in travelers following travel restrictions imposed at the height of the pandemic,” wika ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Sa mahigit anim na milyong arrivals, sinabi ng bureau na 3.6 milyon ang mga Pinoy.

Samantala, ang mga bansang may pinakamaraming travelers sa Pilipinas ay ang United States na may 687,135; South Korea, 448,491; Australia, 152,476; Canada, 141,578; at Japan na may 123,011.

“While we are not yet seeing pre-pandemic figures, the increase is already evident,” ani Tansingco . “We share the optimism of the Tourism Department that travel is on the rebound and we will expect more tourists in the following months.”

Noong 2019 bago pumutok ang pandemya, sinabi ng BI na nakapagtala ito ng 17 million arrivals.

Gayunman, noong 2020 ay nakapagrehistro lang ang bansa ng 3.5 milyong pasahero dahil sa COVID-19 restrictions.