NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng tatlong ash emissions at 26 na earthquakes ang Bulkang Kanlaon nitong Sabado.
Ang mga ito ay tumagal mula walo hanggang 10 minute kasabay ang 26 volcanic earthquakes.
Ayon sa PHIVOLCS, ang Bulkang Kanlaon ay nagbuga ng 6,025 tonnes ng sulfur dioxide flux.
Naglabas din ang bulkan ng 150-metrong taas na plume.
Ibinabala ng ahensya na inflated ang edifice ng bulkan.
Kaya’t nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon.
EVELYN GARCIA