(Naitala noong Enero) P88-B BUDGET SURPLUS

NAGPOSTE ang pamahalaan ng budget surplus na P88 billion noong Enero, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Tumaas ito ng mahigit 90 percent mula sa P45.7 billion na naitala noong nakaraang taon.

“The fiscal outturn was brought about by a faster 21.15% year-over-year increase in revenue collection outpacing the 10.39% expansion in government spending,” ayon sa BTr.

Ang kabuuang revenues sa unang buwan ng taon ay tumaas sa P421.8 billion mula P348.2 billion noong nakaraang taon, sa likod ng mas mataas na tax collections na binubuo ng 91.31 percent o P385.2 billion ng kabuuang koleksiyon.

Ang nalalabing 8.69 percent o P36.6 billion ay nakolekta mula sa non-tax sources.

Samantala, ang disbursements ng national government ay nasa P333.99 billion, tumaas ng 10.39 percent kumpara sa spending na P302.4 billion noong nakaraang taon.

Tumaas ang primary expenditures, na bumubuo sa 77.77 percent ng kabuuan, sa P259.6 billion mula P255.4 noong nakaraang taon.

Samantala, ang interest payments, na bumubuo sa nalalabing 22.23 percent, ay lumobo sa P74.2 billion.

(PNA)