(Naitala noong Hunyo) P149.9-B BUDGET DEFICIT

BTr

NAKAPAGTALA ang Filipinas ng P149.9 billion budget deficit noong Hunyo dahil sa mas mababang koleksiyon ng buwis kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), ang June shortfall ay nagtulak sa kabuuang deficit para sa first half sa P716.1 billion, mas mataas ng 27.8 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, sinabi ng BTr na mas mababa pa rin ito ng 29.7 percent kumpara sa planned deficit na P1.018 trillion para sa naturang panahon.

“Total collections for June slid to P245.6 billion, 30 percent or P105.4 billion less than last year’s tally of P351 billion,” ayon sa Treasury.

Gayunman, sinabi ng ahensiya na ang P1.49 trillion na nakolekta sa first half ay mas mataas pa rin ng 2.6 percent o P37 billion kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Mas mataas din ito sa revised forecast na P1.422 trillion ng 4.8 percent.

Samantala, ang national government expenditures ay pumalo sa P395.4 billion noong Hunyo, tumaas ng 13.2 percent mula sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Karamihan dito ay napunta sa infrastructure program, modernisasyon ng militar, emergency repatriation ng overseas Filipinos,  Smart Campuses Program ng Commission on Higher Education, at sa paghahanda ng Commission on Elections para sa 2022 polls.

“Total expenditures as of end-June 2021 amounting to P2.206 trillion also outpaced the previous year’s actual disbursement by 9.6 percent, but missed the P2.44 trillion revised program by 9.6 percent,” dagdag pa ng Treasury.

3 thoughts on “(Naitala noong Hunyo) P149.9-B BUDGET DEFICIT”

  1. 284998 799555I visited a great deal of web site but I believe this one contains something extra in it in it 991552

  2. 913364 454752This kind of publish appears to get yourself plenty of visitors. How will you acquire traffic to that? It provides a fantastic unique twist upon issues. I guess having something traditional or possibly substantial to give info on could be the central aspect. 159421

Leave a Reply

Your email address will not be published.