(Naitala sa Bulacan at iba pang lalawigan) PANIBAGONG BIRD FLU OUTBREAK

MULING  pinutakte ng avian influenza o bird flu outbreak ang ilang itikan at puguan sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Laguna at Camarines Sur.

Batay ito sa report ng pamahalaan ng Pilipinas sa World Organization for Animal Health (OIE).

Ang panibagong outbreak ng highly pathogenic avian influenza (H5N1) ay naitala sa walong bagong lugar sa bansa.

Kabilang na rito ang Barangay San Roque at Dagat-Dagatan sa San Rafael, Bulacan at Santa Catalina, Minalin at San Lorenzo sa Mexico, Pampanga;

Inihayag ni Bureau of Animal Industry Director Reildrin Morales na unang na-detect ang bird flu outbreak noong Enero 6 sa isang itikan sa Barangay Barangka, Baliuag, Bulacan.

Naglabas na ang Department of Agriculture (DA) ng guidelines sa paglabas at pagpasok ng poultry products sa mga quarantine zone. DWIZ 882